Tuesday, August 24, 2010

Survivor celebrity castaway Pretty Trizsa develops a crush on nice-guy Akihiro Sato!



Ronaldo Celso ang totoong pangalan ng gay stand-up comedian na si Pretty Trizsa, isa sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown. Pormal silang ipinakilala sa entertainment press kagabi, August 22, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Regular na napapanood si Pretty Trizsa sa comedy bars na Punchline at Laffline sa Quezon City. Nagsimula siya bilang isang sing-along master noong 1995 sa Campus Diner along Taft Avenue sa tapat ng De La Salle University.



Ayon sa 34-year-old na si Pretty Trizsa, "Nag-aral pa naman ako ng Medical Technology sa Centro Escolar University tapos nag-take up din ako ng Psychology at Mass Communication sa Trinity College. Ang bagsak ko pala ay sa comedy bar!

"Kasi naman, yun ang hilig kong gawin—mag-entertain at showgirl talaga ako. Wala naman akong pinagsisisihan kasi malaki rin ang naging tulong sa akin ng trabaho kong 'yon. Naging supportive naman ang family ko sa naging trabaho ko."

Mas na-identify noon si Pretty Trizsa sa ABS-CBN dahil sa mga nagawa niyang TV shows at ilang pelikula sa ilalim ng Star Cinema. Kabilang sa naging shows niya sa Dos ay Wowowee, Varga at Rosalka. Nagkaroon din siya ng show sa TV5 noon na Sing-Galing.

Sa movies ay nakalabas siya sa mga pelikulang Videoke King with Robin Padilla and Pops Fernandez; at Happy Hearts nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz.

"Nasa afternoon show pa ako na Rosalka bago ako sumali sa Survivor Philippines," kuwento ni Pretty Trizsa. "Pero papaalis na rin ako no'n kasi may show ako for TFC abroad. Pagbalik ko from abroad, doon na nila ako inimbitahan to join.

"Gusto ko ring subukan itong Survivor Philippines. Sayang din ang exposure, di ba? 'Tsaka yung experience na naranasan ko ay kakaiba. Hindi siya matatapatan talaga. Nakakaloka lang, pero enjoy kaming lahat kahit na nagutom kami at natulog sa ulan ng ilang gabi!" natatawa niyang sabi.

CRUSH ON AKIHIRO. Inamin ni Pretty Trizsa na naging crush niya si Akihiro Sato noong nasa isla sila dahil sa sobrang kabaitan nito.

"Totoo 'yan," sambit niya. "Ang bait-bait niyang tao at napaka-sweet. Bagay sa kanya ang title na 'Mr. Nice Guy.' May gagawin kaming challenge tapos nagsuot ako ng life vest. Sinabi niya sa akin na huwag na raw ako mag-life vest kasi he will save me naman. O, di ba, ang sweet niya? To think na doon lang kami sa isla nagkakilala, pero nagpakita na siya ng kabaitan niya.

"Kaya kung hindi ako kasali sa Survivor Philippines, siya ang pipiliin kong manalo sa mga castaways dahil nasa personality niya ang pagiging tunay na survivor," sabi niya.

ON VICE GANDA. Kung tutuusin ay mas nauna pang pumasok sa showbiz si Pretty Trizsa kesa kay Vice Ganda. Pero mas namayagpag ngayon si Vice Ganda na kaibigan naman niya.

"Friends kami ni Vice Ganda kasi pareho kaming galing sa Punchline at Laffline. Grupo namin 'yon talaga. Masaya ako for Vice Ganda kasi talagang masipag siya at deserve niya ang mga blessings na dumarating sa kanya.

"In fairness, hindi siya nagbabago. Hindi totoong lumaki na ang ulo niya. Kung sino si Vice noon, gano'n pa rin siya. Mas sikat nga lang siya ngayon at natutuwa kami para sa success niya. Ang success kasi ng isang bading ay success ng iba pang bading," saad niya.

Source: Ruel J. Mendoza, PEP,ph

No comments:

Post a Comment