Saturday, August 21, 2010

Eksena sa Survivor Philippines Celebrity Showdown inaabangan!


Marami palang aabangang eksena sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown dahil kanya-kanyang patalbugan ang 18 castaways, sinadya man o hindi. Isa rito’y ang aksidenteng nahubaran ang isang male castaway na i-wish ninyong hindi ma-edit at ipalabas dahil late naman ang time slot at hindi naman siguro mai-X ng Movie and Tele vision Review and Clas sification Board (MTRCB).



Sina Solenn Heussaff at Michelle Madrigal ay obvious na pumayat at ang una nga ay six kilos ang nabawas at pareho pang umitim. May ilan ding nagkaroon ng permanent insect bites scars na pino-problema nila ngayon kung paano maaalis.

May ilan ding naging madaldal, kuwento nang kuwento ng kani-kanilang buhay na hindi na dapat dahil may ilang masasagasaan. Kapag hindi na-edit ang mga sinabi nito, magagalit sa kanya ang mga fans na mga masasaktan sa mga dinaldal niya.

Mas makikilala ang 18 castaways dahil may presscon this week, pero hindi yata kasamang ha ha rap ang host ng Survivor Philippines: Ce lebrity Showdown na si Richard Gutierrez.

No comments:

Post a Comment