Monday, August 30, 2010

Mainit na mga eksena sa opening ng Survivor Philippines Celebrity Showdown!



BONGGA ang exposure ni Princess Snell sa pagsisimula ng Survivor Philip pines: Celebrity Showdown kagabi sa GMA 7.
Sa episode mamaya ay mukhang malalasap ng mga kapwa niya castaways ang kanyang pagiging pasaway.
Sa ngiti pa lang niya ay naroon na ang pagbabanta, “Humanda kayo sa mga pasasabugin ko!”
Nagpakita ng major major na bagsik ang na sabing young starlet kaya tinawag din siyang Prin sesa ng Twitter.
Kakanta kaya si Princess ng I Will Survive?



***
Si Karen de los Reyes ay nagpatikim na ng kanyang pagiging Taray Queen.
Sa pagtikwas pa lang ng kilay ni Karen ay umiinit na ang labanan, “Bakas yonista? Bawal ang turista sa isla!”
Ang papalicious na si Ian Batherson, maliksing kumilos pero hayun, naihulog ang kanyang name tag.
“Never back down, never give up!” ang motto ni Ian.
Medyo delicious din si Mico Aytona, kaso, bansutin ang dating.
Small but terrible, ganu’n?!
***
Siga ang dating ni Jon Hall, at ibibigay niya ang laban na gusto ng televiewers.
Ang Strong Mama na si Elma Muros ay nahaharap sa ibang klaseng laban, pero walang urungan!
At ang sey ng seksing si Michelle Madrigal, “I’m more than a celebrity. I’m a survivor.”

No comments:

Post a Comment