Thursday, August 19, 2010

Richard Gutierrez is back in the country!


Dumating na kamakalawa nang gabi si Richard Gutierrez galing Thailand na kung saan ginawa ang taping ng celebrity edition ng Survivor Philippines.
Sumalubong sa kanya sa airport ang magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasabay ng media.
Kitang-kita ang sobrang katuwaan kay Tita Annabelle nang makita ang kanyang anak matapos ang mahigit isang buwan.

Excited si Richard sa pagkuwento sa amin ng ilang karanasan niya sa isla kasama ang 18 castaways.
Karamihan ay kilala niya at kaibigan pero nagulat pa rin siya nang lumabas ang ibang ugali ng ilang celebrity na kasali sa reality show.
“Nagulat ako sa ka nila. May iba-iba silang character na hindi ko alam na nag-e-exist.
“For example, ‘yung kaibigan ko, si Michelle (Madrigal) at si Soleen (Heusaff), nakita ko rin si Jon Hall at nakatrabaho ko rin si Aubrey Miles.
“Lahat sila, iba-ibang strengths ang pinakita nila at magugulat ang mga tao,” pahayag ni Richard.
Matindi ang Survivor Philippines celebrity edition dahil sa sobrang hirap na pinagdaanan ng mga castaway.
Dagdag pa riyan, ibang klase raw ang lugar na pinagteypingan nila dahil maahas iyun at ang daming multo raw na nagparamdam sa mga castaway at staff.
Nagtataka si Richard dahil ang dami raw nagkukuwentong may nakikita at naramdaman silang naglalakad, umiiyak na bata at kumakanta pero siya ay walang naramdaman na ganu’n.
Isa iyun sa nasalanta nang husto nu’ng mag-tsunami kaya OA daw magparamdam ang mga earthbound spirits na iyun.
“Alam mo, ang tawag namin sa season na ito, talagang Extreme Survivor, extreme weather conditions.
“Ngayon ninyo lang makikita ang ganitong klaseng bagyo na tumama sa isla. Ang daming venomous snakes…
“Sabi nga ni Ervic (Vijandre), ilang beses silang minulto. Naging ghost experience na rin ang Survivor sa isla kung saan sila tumira,” sey ni Richard.
Gusto man magpa hinga ni Richard pagdating dito, mukhang hindi niya magagawa dahil kailangan niyang ituloy ang promo ng In Your Eyes na sa first day of showing pa lang ay nag-hit na.
Isa raw ito sa magandang pasalubong kay Richard kaya ginana han siyang mag-promote.
Sa Linggo ay nasa Davao sila ni Claudine Baretto para sa promo ng pelikulang ito.
Sa Linggo rin ay mapapanood na sa SNBO ang isa pang documentary ni Richard sa GMA News and Public Affairs na Anatomy of a Disaster.

No comments:

Post a Comment