Tuesday, August 24, 2010

Richard, shocked sa ‘pasabog’ sa isla!



MAHABANG diskusyon ang naganap sa pagitan ng mag-inang Richard Gutierrez at Annabelle Rama bago pinayagan ang actor na maging host ng Survivor Philippines Celebrity Showdown.


“Hindi ako nagdalawang-isip nang i-offer sa akin ‘yon.

Siyempre, naging problema ang side ng pamilya ko.



Eh, ‘pag ganitong malaking project, nagdi-dinner kami, diskusyon at kung makakatulong sa career.

Mahabang diskus yon ‘yon with my fa mily at natutuwa ako dahil nag-agree sila sa decision ko. For me, this is the best project for me this year at nag-agree naman ang lahat especially my Mom,” paliwanag ni Chard sa press launch ng Survivor Philippines Celebrity Showdown.


Ano naman ang lesson na kanyang natutunan sa loob ng mahigit isang buwan niyang pananatili sa isang isla sa Thailand.


“Ahh, maraming life changing lessons. ‘Pag nandoon ka kasi sa isla, mari-realize mong how blessed you are with


everything that you have, the people you’re with. Parang na-feel kong lahat ang blessing sa akin na kahit mahirap ang ginagawa ko, I consi der everything as a blessing. Saka perseverance is a key to success. Parang you have to really dedicate yourself to your goal,” pahayag pa ng actor.


Marami ba siyang natuklasang ugali sa mga nakasamang castaways na celebrity? “Marami. Lumabas ‘yung tunay nilang ugali, pagkatao. May isang castaway na ganoon pala kabi gat ang pinagdaanan niya. Maraming pasabog dito na pati ako na-shock,” sagot niya.


Marami raw nahubaran habang ginagawa ang challenges?


“Ha! Ha! Ha! Marami. Kasi ‘yung mga challenges namin, medyo extreme at naka-bathing suit lang sila or board shorts. Marami sa kanila ang nahuhubaran pero tinatakpan din namin agad. Ha! Ha! Ha!” tugon ni Chard.


Teka, spoiled ba siya sa taping nila sa Thailand?


“Hindi! Ang advantage ko lang as host, may natutulugan ako at kumakain ako. Kasi sila, they have to hunt for their own food. They have to build their own shelter! Pero kapag nasa challenge kami at buma bagyo, pareho kaming lahat ng nararanasan. ‘Pag na-stranded sila sa isang part ng island at nandoon din ako, stranded din ako. Kasama rin ako sa gitna ng dagat kapag tumitigil ang bangka kapag ma lakas ang alon.”


Eh, kung halimbawang may season 4 ang Survivor Philippines, pa yag ba siyang maging host uli, or if not, kaya ba niyang maging castaway?


“Yes, pag naulit, gusto ko pa. Actually, gusto kong maging castaway nu’ng una. Pero nang sabihin sa akin ng production staff, kung gusto kong ma ging castaway, dapat sa ibang bansa ang edition,” deklara ni Ri chard.


Ayon naman sa mga castaways, very authoritative si Richard bilang host.

Source: Jun Nardo, Abante

No comments:

Post a Comment