Tuesday, August 24, 2010

Michelle Madrigal, lumiit ang boobs sa isla!



MAGDYOWA man sina Michelle Madrigal at Jon Hall, never na nag-usap ang dalawa na papasok sila sa celebrity edition ng Survivor Philippines na mapapanood na sa Lunes.


“I joined first. I auditioned for it! Survivor na lang ang pag-usapan natin! Ha! Ha! Ha!” iwas ni Michelle.




Bakit, break na ba sila ni Jon?


“Hindi! Ha! Ha! Ha! Of course, may bonding kami doon. Nag-away kami? Sino ang nagsabi? Panoorin na lang ninyo dahil baka pag nagsa lita ako, mademanda ako! Ha! Ha! Ha!” bitin niyang pahayag.
Sa pagiging castaway, nabawasan ng 15 pounds si Michelle dala ng kawalan ng totoong pagkain. Kaya pala nabawasan ang boobs niya!


“Yes! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Michelle.


Bukod sa kawalan ng normal na pagkain, wala ring maayos na higaan, liguan at sipilyuhan kay Michelle.

At kung ano ang suot niya nu’ng simula ng series, ‘yun na rin ang suot niya hanggang sa matapos.


“Sobrang mahirap dahil malalaki ang lamok! Pati langaw na green, nangangagat! Pero hindi ako nagsisisi na su mali ako. Pag may uulit pa, uulit ako! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Michelle.

Source: Jun Nardo, Abante

No comments:

Post a Comment