Wednesday, August 25, 2010

Aubrey, ‘pasimuno’ ng gulo sa isla?


Ang ‘Pasimuno’ (ng gulo?) ang bansag kay Aubrey Miles na isa sa celebrity castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown na host si Richard Gutierrez.

Nagtataka rin siya kung bakit pasimuno ang tawag sa kanya habang tine-tape ang programa sa isang isla sa Thailand.




“Hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang tawag sa akin.

Kahit ako minsan, nagugulat din. Ay, ganoon pala ‘yon.

Pero minsan, natural na lumalabas at naiisip mo na may isa pa lang nagsimula. Nagugulat din ako ‘pag may nagagawa akong hindi naman sinasadya,” sambit ni Aubrey.


Pinangarap ba talaga niyang pumasok talaga sa SPCS?


“Before pa, hindi pa celebrity, tinanong ko ‘yung unang host kung pwedeng pumasok. Sabi niya, ‘pag sa celebrity edition na. So, nu’ng nagkaroon, pumasok talaga ako.

Inisip ko kasi, 36 days lang naman ito. Kung manalo, mas matagal pa kaming magsasama ng pamilya ko. ‘Pag nanalo ako, mas mapapasyal ko pa sila. Inisip ko, isang buwan lang ito at kaya ko!” paliwanag ng Hot Mama.


Payo raw sa kanya ng panganay niyang anak na huwag daw siyang maging masyadong mabait.


“Mabait pa rin naman ako doon pero may pangyaya ring hindi ka dapat laging mabait! Ha! Ha! Ha!” sambit niya.


Eh, ano naman ang reaksyon ni Troy Montero?


“Happy naman siya kasi nakabalik ako ng buo! Maayos pero maitim lang ako. Gusto rin niyang sumali, pero mahirap ‘pag dalawa kaming wala, kaya ako na lang,” sey niya.


Ano ang natutunan niya habang nasa isla siya?


“Ang hirap talaga! Kaya kung back to back na kasali ako, ayoko na. Maybe after 10 years, saka ako sasali uli. Kasi hindi ko in-expect na…Alam ko namang hindi bakasyon ‘yon! Pagpunta ko doon, pagbaba ko sa island, kung ano ang suot ko, that’s it! Grabe ang hirap. May castaways na umiiyak at isa na ako doon dahil lang sa mostly sa weather, sa pagkuha ng food, water. ‘Yung matutulog ka ng basa kasi umuulan! Tapos, araw! Hindi ka naman makapaglaba o makaligo dahil wala kayong sabon at toothbrush.


“So ngayon, kain ako nang kain. Dati diet nga ako nang diet! Panay sweets ang kinain ko pagbalik ko rito. Chocolates, cakes, chocolate bars,” kuwento ni Aubrey.


Sa SPCS lang ang kontrata ni Aubrey sa GMA at hindi pa niya alam kung mapapanood din siya sa mga GMA entertainment programs.


Siyanga pala, nawala raw ang phobia niya sa apoy dahil sa pagsali niya sa SPCS.

Source: Jun Nardo, Abante

No comments:

Post a Comment