Monday, August 23, 2010

Karen Delos Reyes, pasimuno ng gulo sa Survivor Philippines?



ULTIMATE trip ang turing ni Karen delos Reyes sa pagsali niya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Sabi nga niya, hindi raw siya nag-prepare, at ipinaubaya na raw niya kay Batman ang lahat.


“Just wanna have fun and make friends,” sabi ni Karen.




Prangkahan ding sinabi ni Karen, na kahit puro guwapo ang mga kasama niya sa Survivor, hindi raw siya puwedeng ma-in love agad-agad.


“Hindi naman ako ‘yung tipong nai-in love agad sa lalaki dahil cute siya. Sa akin, kung sino ang matinong kausap, puwede ‘yon,” sey niya.


Sa obserbasyon namin kay Karen nu’ng nakasama namin siya sa Thailand, tila hindi talaga siya pahuhuli ng buhay. Lutang na lutang ang pagiging palaban at mataray niya. Pero, kapansin-pansin din naman ang effort niya na makisama sa mga kaharap niya. Kung titingnan mo nga, siya ‘yung tipo na mahilig gumawa ng eksena para magkaroon ng tawanan sa paligid.


Imagine, sa isang restoran na pinuntahan namin noon bago sila nagpunta sa isla, walang patumangga na ini-announce talaga niya na gusto niyang umebak, at pagbalik niya mula sa banyo, isang malakas na ‘success’ ang isinigaw niya, na ang ibig sabihin ay naging matagumpay ang kanyang pag-ebak.


Pero, ano ang masasabi niya na ganu’n ang tingin sa kanya, na isa siyang palaaway?


“Basta ako, eversince, hindi ako ang nag-i-start ng gulo! Kumbaga, ako ang inaaway nila at lumalaban lang ako. Pero, hindi ako nagpapatalo!”


Si Karen nga ang sabi-sabing pinakamaraming nakaaway sa isla?


“Hindi ako negative na tao. ‘Yung facade ko, kontrabida. Palaban ako, pero hindi ako kontrabidang tao!” say lang ni Karen.

Source: Dondon Sermino, Abante

No comments:

Post a Comment