Monday, August 23, 2010
Survivor celebrity castaway Akihiro Sato admits breaking down during the competition!
Muntik nang sumuko ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.
Ito ay dahil sa impeksyon na sanhi ng mga kagat ng lamok sa buong katawan niya habang nasa isla ng Ranong sa gitna ng Andaman Sea sa Thailand. Sa nasabing isla ginawa ng third season ng reality show ng GMA-7 na hinu-host na ngayon ni Richard Gutierrez.
"I can say in the beginning of the game, I want to quit because I got a lot of infection and mosquito bites. I was really feeling bad. So the doctors asked me if I want to continue," banggit ni Akihiro sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Survivor Philippines Celebrity Showdown kagabi, August 23, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Pero nanaig ang kagustuhan ni Akihiro na manatili sa labanan.
"Siyempre!" bulalas ng tinaguriang "Mr. Nice Guy" sa kumpetisyon. "So even after I had all the infection already, I said, 'Let's continue!' Ayoko mag-give up."
WHY HE JOINED. Bakit siya sumali sa Survivor Philippines Celebrity Showdown?
"To show the people that besides showbiz, besides modeling, I can do something for real. Like I want to show my personality to the people. And it's a dream for me that came true," sagot ni Akihiro.
Hindi raw siyang umaasa na manalo.
"No! I really don't. Kasi what's in my mind, gusto ko just enjoy and see the experience. Hindi ano, para pasok sa finals, not to win."
Tapos na ang kumpetisyon, pero wala pang nanalo dahil live itong ia-announce sa katapusan ng pagpapalabas ng reality show na magsisimulang mapanood sa August 30, Lunes.
What if manalo siya?
"Well, for me, it's a big chance, a great opportunity for me to change my life," sagot ni Akihiro.
At kung papalarin, may iniisip na si Akihiro na paggagamitan niya ng three-million cash prize.
"Gusto ko to bring my whole family to the Philippines, to stay here for good. That's my plan, and this is important for me," sabi niya.
Paano naman kung hindi siya nanalo?
"Oh, I will continue with my life, move on, keep on working hard and one day I will realize all my dreams to come true."
Source: Rommel Gonzales, PEP.ph
NEW LOOK. Ibang look ang taglay ngayon ni Akihiro na balbas-sarado na. Aniya, hindi raw muna siya mag-aahit.
"They asked me to keep it for the promo, and I agreed with them also, and I want to change my style for a while."
Hindi na rin daw niya ibabalik ang nawala niyang timbang na mahigit 10 pounds.
"No, actually lahat sila, sabi nila, keep it. Much better for me," nakangiti niyang sabi.
Ano ang hindi niya makakalimutan habang nasa isla?
"There's a lot, but I think when we talked about my family, and it was really a good moment, very important moment, kasi I was really emotional. Of all the survivors I got really down," sabi ng model-actor.
Nag-breakdown nga raw si Akihiro sa ilang pagkakataon doon sa isla.
"Because I was sad, kasi I miss a lot...because siyempre I miss my family and then there is a lot of emotions there because we don't have food, we have like the worst in weather. So you got a lot of emotions there," paliwanag niya.
THE COMPETITORS. Sa mga kalaban niyang celebrity castaways, sino ang gusto niyang manalo?
"Si Nanay Elma [Muros, track and field champion] kasi sobrang mahirap ang buhay niya. So, gusto ko siya kasi she represents the Philippines around the world, and she works hard and sobrang mabait siya," sagot ni Akihiro.
Bukod kina Akihiro at Elma ("Strong Mama"), ang iba pang castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ay sina: Ahron Villena ("Ang Bolero"), SexBomb Aira Bermudez ("Dancing Warrior"), Aubrey Miles ("Ang Pasimuno"), Parokya Ni Edgar bassist Buhawi Meneses ("Tribe Leader"), basketball player Ervic Vijandre ("Power Player"), StarStruck Avengers Ian Batherson ("Pilyong Amboy") and Princess Snell ("Pasaway"), models Solenn Heussaff ("Ang Diwata Ng Isla") at Jon Hall ("Siga ng Isla"), stand-up comedian Pretty Trizsa ("Cheerleader"), Karen delos Reyes ("Taray Queen"), Michelle Madrigal ("The Outcast"), Mico Aytona ("Bibong Bunso"), Moi Bien ("Yayang Palaban"), Bubble Gang's Myka Flores ("Bidang Extra"), at Doc Ferdz Recio ("The Boss").
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment