Monday, August 23, 2010

Ervic Vijandre, mahilig makipaglandian!



KUNG may Dingdong Dantes na si Marian Rivera, wala pa raw girlfriend ang ex-boyfriend nitong si Ervic Vijandre. Kumbaga, hindi pa pinapalitan ni Ervic sa puso niya si Marian.




Kuwento ni Ervic, nu’ng huli namin siyang makatsikahan sa Thailand para sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, single na single pa rin daw siya.


“Oo naman! Single na single pa ako,” sabi pa ni Ervic.


Tinukso nga namin si Ervic kay Solenn Heussaff na castaway din sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Single nga rin daw ang dala ga, na bukod sa seksi ay sobrang ganda pa. Sabi nga, bagay ang dalawa, na parehong matangkad, at mukhang mga mestiso at mestisa.


“Hindi ko pa siya mas yadong kilala,” sagot niya.
Publish Post

Pero, puwede ba siyang ma-in love kay Solenn?


“Hindi ko alam? Hindi ko pa siya masyadong nakakausap.


“Sabi ko nga, duma ting ako sa Survivor na wala akong masyadong kilala. At saka, matanda na ako, na hindi porke maganda ang isang babae, gusto ko na agad. More on personality na ako,” sambit ni Ervic.


Pero, base sa obserbasyon namin kay Ervic nu’ng makasama namin siya sa biyahe patungong Thailand, bagama’t tatahi-tahimik lang ito, at madalas ay pangiti-ngiti lang, tila mahilig itong makipaglandian sa mga babae. Sa airport pa lang dito sa Manila nu’ng patungo kami sa Thailand, ilang babae na staff sa airport ang nakita na ming tsi nitsika-tsika niya. At kahit hindi namin nariri nig ang mga sinasabi niya sa mga babaeng kaharap niya, kitang-kita namin ang reaksyon ng mga babae na tawa nang tawa at tila kinikilig. Kung titingnan mo, parang binobola-bola nga niya ang mga girls na kaharap niya.


Anyway, kaibigan nga ni Ervic si JC Tiuseco, ang kauna-unahang winner sa Survivor Philippines. May ipinayo ba sa kanya si JC?


“Nu’ng nakita ko siya one time, bago kami nagpunta sa Thailand, tinanong ko siya kung ano ang mga dapat kong gawin. Sabi lang niya, kumain ako nang kumain, kasi magugutom ako sa isla. So, bago ako pumunta rito, nakadalawang eat all you can ako,” kuwento ni Ervic.

Source: Dondon Sermino, Abante

No comments:

Post a Comment