Wednesday, August 25, 2010

SexBomb Aira Bermudez joined celebrity edition of Survivor Philippines for title and P3-M cash prize!


Isa ang SexBomb dancer na si Aira Bermudez sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, ang reality show ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa August 30.

Mabuti at pinayagan siya ng manager nilang si Joy Cancio na sumali sa Survivor Philippines?



"Well, si Ate Joy kasi yung nag-open sa akin about this. Tapos ako naman kasi, game na game naman talaga ako sa lahat, e. So without hesitation, sinabi ko talaga yes. Umoo agad ako kahit hindi ko pa alam ang mga mangyayari. Nung sinabi ni Ate Joy na Survivor, go na ako!" natatawang sabi ni Aira.

UNFORGETTABLE EXPERIENCE. Ano ang hindi makakalimutang experience ni Aira habang nasa Ranong Island sila sa Thailand?

"Yung experience ko with the celebrities, like siyempre naging close kami sa isa't isa. So, yung bond namin together, mas lalong naging tight. Tsaka yung ginagawa namin every day, like yung kinakain namin doon, same-same lang na puro rice. Tapos yung unpredictable condition na na-experience namin, like yung weather nga, bagyo nang bagyo. Natutulog kami, pero magkakatabi kami para lang may body heat, yung ganun," kuwento ni Aira sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Survivor Philippines Celebrity Showdown noong Lunes, August 23.


Dahil 36 days silang nasa isla, medyo matagal ding hindi napanood si Aira sa Danz Showdown, ang dance show ng SexBomb sa GMA-7. Ano ang pinakamahirap na ginawa ni Aira sa isla ng Ranong?

"Well, iyon yung aabangan nila," sagot ng dancer. "Yung mga games na ginawa namin na sobrang extreme, yung pamumuhay namin doon, kung paano namin nakayanan na sumabak sa lahat ng challenges.

"Pero yung hindi ko makakalimutan doon, yung makipag-away sa mga lamok!" tawa niya. "Oo, dahil sobrang daming lamok, niknik, langaw, mga insekto. Yung niknik, hindi mo siya makikita, para siyang alikabok lang. Pero pag nangagat siya, sobrang kati na kumakalat."

Ano ang una niyang ginawa pagbalik niya sa Maynila.

"Kumain ng gustung-gutso kong kainin—hot pot sa David's, yung shabu-shabu style nila! Sobrang nagke-crave ako doon. Noong nasa isla kasi kami, nag-uusap kami lagi, almost every day, every night, every single minute na about food, dessert... So, lahat talaga gusto naming kainin."

FOR THE MONEY. Gusto ba niyang manalo?

"Siyempre naman!" bulalas ni Aira. "Lahat naman kami gusto naming manalo for three million pesos."

Ang isa mga castaway na si Akihiro Sato ay sinabing ang habol niya sa pagsali sa reality show ay ang enjoyment at kakaibang experiences. Ano ang masasabi ni Aira rito?

"Andun na tayo. Kaya nga tayo sumali ng Survivor, just to win the title and the three million pesos. So, siyempre, ako, gusto kong manalo," sabi niya.

Ano ang gagawin niya sa cash prize kung saka-sakali?

"Business, and for my mom. Kasi mom ko, talagang yung condition niya...well, hindi talaga maganda. May heart problem kasi mama ko. Hindi pa naman dumarating sa punto na ooperahan siya. Muntikan nang dumating sa ganung level. Pero naagapan naman so maintenance na lang. Kasi tsaka gusto kong gumawa ng family business. Kung sakaling papalaring manalo, why not?"

Paano kapag hindi siya nanalo?

"Okay lang, okay lang sa akin," sagot ni Aira. "Tuloy ang SexBomb tsaka siyempre mag-iipon ako para pa rin dun sa mga plans ko. Hindi lang naman ganito na if ever hindi ako manalo dito, hindi naman doon nagtatapos yung plans ko for my family."

Source: Rommel Gonzales, PEP.ph

No comments:

Post a Comment